MGA LUGAR SA DISTRICT 1, PANGASINAN, BINABANTAYAN SA POSIBLENG LANDSLIDE

‎Pinag-iingat ang mga residente sa mga lugar na kabilang sa landslide-prone areas sa District 1, Pangasinan, kasunod ng patuloy na pag-ulan na maaaring magpalambot at magpabigat sa lupa.

‎Batay sa inilabas ng Pangasinan PDRRMO na landslide hazard map para sa District 1, tinukoy ang mga barangay sa bawat munisipalidad na maaaring maapektuhan ng pagguho ng lupa.

‎Kabulang dito sng mga bahagi ng Agno, Alaminos City, Bani, Burgos, Dasol, Infanta, Mabini, at Sual.

‎Mas mataas ang panganib sa mga lugar na may matatarik na dalisdis, saturated o basang-basa nang lupa, at iba pang lugar na itinuturing na landslide-prone.

‎Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente, partikular ang mga nakatira malapit sa matatarik na lugar at dalisdis, na maging mapagmatyag sa posibleng senyales ng pagguho ng lupa at agad na umiwas sa mga lugar na itinuturing na delikado.

‎Hinihikayat din ang publiko na manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng lokal na pamahalaan at mga kinauukulang disaster response authorities sakaling kailanganin ang preemptive evacuation o iba pang hakbang pangkaligtasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments