Saturday, August 15, 2026

‘Mystery riders’, ginamit ng LTFRB kontra sa mga marumi, mabaho at hindi maayos na UV Express

Gumamit ng “mystery riders” ang LTFRB para palihim na masuri ang aktuwal na kondisyon at serbisyo ng mga bumabyaheng UV Express.

Sa isinagawang deployment noong Agosto 12, siyam na UV Express ang na-apprehend, karamihan ay bumibiyahe sa rutang Bulacan-Metro Manila.

Ayon sa LTFRB, kabilang sa mga reklamong kanilang napatunayan ang mahinang aircon, kupas na markings at hindi kanais-nais na amoy sa loob ng mga sasakyan.

Dahil dito, pinadalhan ng show cause order ang mga operator at pinagpapaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o kanselahin ang kanilang prangkisa.

Sinabi ng LTFRB na magpapatuloy ang paggamit ng mystery riders bilang bahagi ng kampanya laban sa mga marumi, mabaho at hindi maayos na pampublikong sasakyan.

Facebook Comments