
Nakahanda ang Department of Justice (DOJ) sakaling maghain na ng reklamo sa kagawaran kaugnay sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (ADZU) na ikinasawi ng dalawang estudyante.
Ayon kay Justice Secretary Eric Vida, sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng law enforcement agencies pero hindi rin nila isinasantabi na may kaugnayan sa terorismo ang insidente.
Ito ay dahil nakita rito ang elemento ng terorismo kabilang na ang layuning maghasik ng pananakot sa publiko.
Samantala, nanawagan naman ang kalihim sa mga magulang na bantayang mabuti ang mga anak lalo na sa mga ginagawa at pinapanuod online.
Mahalaga aniyang makausap ng magulang ang kanilang anak upang magabayan ang mga ito.
Habang may panawagan din siya sa publiko na huwag nang ipakalat ang mga marahas na video kaugnay sa insidente dahil posibleng gayahin pa ito ng ibang kabataan.










