Mga kriminal, lagot sa PNP Fitness Policy

Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, magandang balita para sa publiko at masama naman para sa mga kriminal ang Fitness Policy na pinapatupad ng liderato ng Philippine National Police (PNP).

Unang ipinatupad ni Lacson ang ganitong programa noong sya ay hepe ng pambansang pulisya.

Ayon kay Lacson, nangangahulugan ito na magiging mas handa ang mga pulis sa pagtugis sa mga kriminal dahil napapabuti ang pisikal nilang kondisyon at kalusugan.


Dagdag pa ni Lacson, kapag nasa tama ang pangangatawan ng isang pulis, ay mas tumataas din ang respeto at tiwala ng publiko sa kanya.

Suportado din ni Lacson ang polisiya ni PNP officer-in-charge P/Lt. General Archie Gamboa na huwag payagan na sumailalim sa schooling ang mga pulis na gustong mapromote kapag hindi pumasa sa nabanggit na programa.

Facebook Comments