
Nagbigay ng huling pagpupugay ang House of Representatives sa yumaong Batanes Representative Ciriaco “Jun” Gato Jr., sa isinagawang necrological service sa Kamara ngayong Biyernes.
Pinangunahan ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang pagbibigay-pugay kay Gato, kasama ang ilang mambabatas at mga nakatrabaho nito.
Sa kanilang mga eulogy, binalikan ang serbisyo ni Gato bilang doktor bago pumasok sa Kongreso at ang kaniyang mga adbokasiya para sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan.
Pormal ding iniabot sa pamilya ni Gato ang House Resolution 1470, na nagpapahayag ng pakikiramay ng Kamara at pagkilala sa kanyang serbisyo sa Batanes at sa bansa.
Pumanaw si Gato noong Setyembre 21 sa edad na 66.
Facebook Comments










