
Nababahala ang Chinese Embassy sa Pilipinas sa anila’y sunod-sunod na pag-aresto ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines o AFP sa kanilang mga kababayan sa bansa kamakailan.
Ayon kay Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingpeng, naghain na ng pormnal na protesta ang embahada at konsulada ng China sa bansa sa hindi tinukoy na mga insidente.
Kasabay nito, hiniling ng embahada ng China sa bansa na magbigay na facts at reasons sa loob ng apat na araw alinsunod sa consular agreement ng dalawang bansa.
Kasabay nito, hinimok din ng China ang Pilipinas na maayos na resolbahin sa lalong madaling panahon ang mga nasasangkot sa pamamagitan ng pagdinig na alinsunod sa batas.
Nirerespeto naman daw ng China ang judicial sovereignity ng bansa pero tinututukan nito ang umano’y selective at discriminatory law enforcement na target ang mga Chinese national sa bansa.
Kung maalala, nasa 69 na Chinese national ang inaresto kamakailan sa radio active contaminated steel plant sa Misamis Oriental na ikinaalarma ng pamahalaan.
Wala pang tugon ang Department of Foreign Affairs o DFA sa protesta at mga pahayag ng Chinese Embassy.










