Thursday, May 28, 2026

Pag-walk out ng minorya sa gitna ng sesyon, “in bad faith” — Sen. Marcoleta

Naniniwala si Senator Rodante Marcoleta na “in bad faith” ang pag-walk out ng mga myembro ng minorya sa sesyon.

Matatandaang Martes ng gabi ay pinagtalunan sa sesyon ang mosyon ni Marcoleta na payagang makadalo ang isang senador sa pamamagitan ng videoconferencing na siya namang tinututulan ng minority bloc na nauwi sa pagwo-walk out ng mga myembro ng oposisyon.

Giit ni Marcoleta, in bad faith o masamang hangarin ang minorya dahil bago kwestyunin ang kanyang mosyon ay nag-walk out muna ang mga ito.

Sinabi ng senador na hindi ba sila mga “matured” para pagusapan ang bagay na ito sa plenaryo at ibinoto sila ng mga tao para pagdebatihin ang mga bagay.

Tinanong din niya ang minorya kung ang pagwo-walkout ba nila ay takot silang makipagdebate.

Sa tingin pa ni Marcoleta ay sinadya ng minorya na mag-walk out para mawala at makwestyon ang quorum.

Nilinaw din ng senador na ang “divide the house” na sinasabi ay para pagdebatehan ang mosyon kung saan sampu ang tumaas ang kamay o naging boto sa mayorya habang wala naman sa minorya pero nung iginigiit na magdebate ay nagwalk out naman sila.

Facebook Comments