Monday, July 27, 2026

Usapin sa sahod, edukasyon, at karapatan sa lupa, sigaw ng mga raliyistang nagmamartsa na para makapalit sa Batasang Pambansa

Mas dumami pa ang mga grupong nagsasagawa ng kilos-protesta at nagsimula nang nagmartsa patungong Batasang Pambansa.

Kasabay ito ng State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Bongbong Marcos mamayang hapon.

Sigaw pa rin ng iba’t ibang grupo ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa, dagdagan ang pondo sa edukasyon at ang kanilang karapatan sa lupa.

Ang ilang grupo ay isinusulong ang pagsasabatas sa medical marijuana bill o ang House Bill 180 na tinawag na proposed Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.

Panawagan ng ilang grupo na panagutin ang mga sangkot sa korapsiyon sa bansa.

Dakong alas-10:30 kanina nang nag-sama-sama ang iba’t ibang grupo gaya ng Bayan Metro Manila, grupo ng mga manggagawa, magsasaka, mahihirap, katutubo at mga kabataan.

Magsasagawa ang mga ito ng kilos-protesta at programa hanggang alas-2:00 ngayong hapon.

Facebook Comments