Monday, July 27, 2026

Usec. Claire Castro, binigyan ng 90% na grado si PBBM

Nasa 90% ang ibinibigay na grado ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro sa performance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Castro, personal niyang nasasaksihan ang trabaho ng Pangulo dahil madalas niya itong makasama sa mga pagpupulong sa Malacañang.

Epektibo aniyang nagagampanan ni Pangulong Marcos ang kaniyang tungkulin at naipatutupad ang mga programa ng administrasyon, kaya mataas ang gradong ibinibigay niya rito.

Samantala, tumanggi namang pangunahan ni Castro ang laman ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Hindi rin niya kinumpirma kung tatalakayin ni Pangulong Marcos ang isyu ng mga umano’y anomalya sa mga flood control project, at hinikayat na lamang ang publiko na sabay-sabay na pakinggan ang SONA.

Facebook Comments