
Inaasahang isa sa mga itatampok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang pinalawak na suporta ng administrasyon sa mga lokal na pamahalaan.
Kabilang dito ang programang Bawat Bayan Makikinabang (BBM), na layong palakasin ang kakayahan ng mga local government unit (LGU) upang mas mapabilis ang paghahatid ng serbisyo at tulong sa kanilang mga nasasakupan.
Sa ilalim ng programa, nakatanggap ng tig-₱200,000 ang bawat barangay sa buong bansa.
Mula rito, ₱100,000 ang inilaan para sa scholarship ng limang estudyante sa bawat barangay, habang ang natitirang ₱100,000 ay gagamitin sa pagpapalakas ng seguridad at iba pang serbisyong pangbarangay.
Bahagi rin ng pinalawak na suporta ng pamahalaan sa mga LGU ang pamamahagi ng 60 kilo ng bigas kada taon para sa 5.67 milyong pamilyang Pilipino.










