Monday, June 22, 2026

House prosecution team, humingi ng 62 na araw ng paglilitis kay VP Duterte

Sa tingin ng House Prosecution Team, lalagpas pa sa Setyembre ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte na nakatakdang magsimula sa July 6.

Ayon kay House Lead Prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, batay ito sa bilang ng mga testigo at mga “exhibit” ng panig nila at ng defense team ni VP Duterte.

Sabi naman ni House legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., humiling sila ng 62 trial days habang 30 trial days naman ng request ng defense panel.

Binanggit ni Tolosa na ang mga araw na ito ay ilalaan sa pagpapakita ng lahat ng kanilang mga ebidensya at pagharap ng mga testigo sa paglilitis.

Paliwanag naman ni Luistro, ang House impeachment court pa rin ang may pinal na na pasya kung pagbibigyan ang trial dates na ni-request ng magkabilang panig.

Facebook Comments