Tuesday, June 23, 2026

Ilang senador, nangakong tutukan ang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City

Tiniyak ng ilang mga senador ang pagtutok sa kaso ng pamamaril ng dalawang menor de edad na estudyante sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong kapwa magaaral.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, Chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, gagawin niya ang lahat ng paraan upang hindi na maulit ang school shooting sa ating bansa.

Giit ni Hontiveros, ang mga paaralan ay hindi dapat maging lugar ng takot at karahasan at dapat na manatili itong ligtas na lugar upang makapag-aral ang mga estudyante nang malaya at walang pangamba.

Sinabi naman ni Senator Bong Go, Chairman ng Committee on Youth, na tututukan niya kung mayroong dapat na amyendahan sa mga kasalukuyang batas tulad ng Juvenile Justice and Welfare Act.

Binigyang-diin ng mambabatas na hindi na dapat hintayin pang may panibagong trahedyang mangyari sa mga paaralan.

Facebook Comments