Kalibo, Aklan — Ramdam na ng mga magsasaka ng gulay sa Aklan ang epekto sa kanilang negosyo ng nalalapit na pagsasara ng Boracay.
Sa isinagawang consultative meeting ng local na gobyerno ng Kalibo ipinaabot ng ilang Farmers Association na humina na ang demand ng mga gulay ngayon.
Bilang sagot at solusyon, sinabi ni Mayor William Lachica ng Kalibo na magbibigay sya ng lugar sa Kalibo Public Market para sa mga farmers na makatinda ng kanilang produkto at gagawa pa ng night market.
Tutulong rin and DTI-Aklan sa mga apektado lalo na ang mga Small Medium Entrepreneurs (SME) katulad ng pag establish ng stalls sa malls ng Iloilo, Cebu at Manila para mai-showcase ang mga produkto ng Aklan.
Magsasagawa rin ng training ang DTI para sa mga SMEs kagaya ng Marketing, Coaching Session at ang trabaho, negosyo at kabuhayan.
Mga magsasaka ng gulay sa Aklan, ramdam na ang epekto ng pagsasara ng Boracay
Facebook Comments