Tumanggap ng mga kagamitan at materyales sa pangingisda ang ilang mangingisda sa Alaminos City, Pangasinan sa ilalim ng Fishing Gear Assistance Program ng lokal na pamahalaan.
Isinagawa noong Nobyembre 18, 2026 sa Barangay Telbang ang unang batch ng pamamahagi ng mga fishing gear para sa mga mangingisda mula sa Barangay Pandan, Telbang at Victoria.
Layunin ng programa na mabigyan ng karagdagang suporta ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga kinakailangang kagamitan upang mapalakas ang kanilang hanapbuhay.
Inaasahan ding makatutulong ang naturang inisyatibo sa pagpapataas ng kanilang kakayahang mangisda at sa pagpapaunlad ng sektor ng pangisdaan sa lungsod.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos na suportahan ang mga mangingisda at mapabuti ang kanilang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










