MGA MANGINGISDA SA SAN FABIAN, , KAKAUNTI UMANO ANG HULI AT KITA DAHIL SA MATINDING INIT

Malaking suliranin para sa mga mangingisda sa Bolasi, San Fabian ang kakaunting huli na nangangahulugan din ng maliit na kita tuwing tag-init.

Ayon sa kanila, nai-stress umano ang mga isda dahil sa matinding init kaya naghahanap ang mga ito ng mas malamig na bahagi ng dagat.

Dagdag pasanin pa rito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at epekto ng maalinsangang panahon sa kanilang kalusugan habang pumapalaot.

Sa kabila nito, hindi rin umano nila maaaring basta itaas ang presyo ng mga isda.

Dahil sa hirap ng buhay, napipilitan ang ilan sa kanila na maghanap ng dagdag na pagkakakitaan. Tulad na lamang ni Christian, na isang mangingisda sa umaga ngunit nag-eextra rin bilang banana boat operator at construction worker upang masuportahan ang kanyang pamilya.

Sa kabila nito, umaasa naman ang mga mangingisda na magiging maganda ang kanilang huli sa paparating na tag-ulan.

Ayon sa kanila, mas dumarami umano ang isda kapag malamig ang temperatura ng dagat ngunit sunod namang hamon sa kanila ang thunderstorms habang nasa laot.

Samantala, humihingi naman ng tulong ang mga mangingisda sa pamahalaan upang kahit paano ay maibsan ang kanilang dinaranas na hirap at pasakit sa kanilangkabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments