Saturday, August 1, 2026

Mga matataas na opisyal ng Malakanyang at malalaking negosyante, posibleng may kinalaman sa pagsuspinde ng korte sa NCR wage hike

Naniniwala si Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando na may kinalaman ang ilang matataas na opisyal ng Malakanyang at mga malalaking negosyo sa pagsuspinde ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) sa ₱85 minimum wage increase sa Metro Manila.

Punto ni San Fernando, hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang korte para labagin ang mga probisyon ng Labor Code kung hindi ito suportado ng Malakanyang at malalaking grupo ng mga negosyante.

Nakakabahala para kay San Fernando, ang ganitong katinding pressure mula sa taas para harangin ang kakarampot na umento sa sahod para sa ordinaryong manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Tiniyak ni San Fernando na hindi sila magsasawalang kibo sa pagkasangkapan sa hudikatura para ipagkait ang napakaliit na ginhawang idudulot ng wage increase.

Facebook Comments