
Tinuligsa ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang paggamit ng Office of the Ombudsman ng mga testigo na may kasong cyberlibel at perjury.
Isang malaking tanong para kay Romualdez na ginagamit ng Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ang mga testigong ibinasura na at kinasuhan para lamang idiin sya sa flood control scandal.
Ayon kay Romualdez, pantay na hustisya lamang ang hinihingi nya pero ito ba ang patas na imbestigasyon.
Bunsod nito ay biniyang diin ni Romualdez na hindi sya uurong sa laban at hindi sya matitinag.
Tiniyak ni Romualdez, na gagawin nya ang tama.
Facebook Comments










