Friday, October 30, 2026

Inflation ngayong Oktubre, posibleng pumalo hanggang 8.1% — BSP

Posibleng pumalo hanggang sa 8.1% ang inflation o bilis ng pagmahal ng mga bilihin at serbisyo sa bansa ngayong Oktubre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inaasahang maglalaro sa 7.1% hanggang 8.1% ang inflation ngayong buwan batay sa kanilang projection.

Epekto anila ito ng mataas na presyo ng langis, kuryente at pamasahe.

Sa kabila niyan, bahagya namang mapipigilan ito ng pagbaba ng presyo ng mga produktong pang-agrikultura gaya ng bigas, gulay, karne at isda.

Sa ngayon ay patuloy na binabantayan ng BSP ang mga datos partikular sa inflation at posibleng paglago at inaalam din ang epekto ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East sa ating inflation at ekonomiya.

Huling umabot sa 8.1% ang inflation sa bansa na naitala ng BSP noong December 2022.

Jairus Peñaflorida, RMN Manila

Facebook Comments