Mga naaresto at namamatay dahil sa war on drugs ng pamahalaan dumami pa

Nagdagdagan pa ang bilang ng mga naaresto at namamatay dahil sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.

Batay ito sa panibagong update o itong tinatawag na #realnumbersph ng mga law enforcement agencies sa bansa sa pamumuno ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Sa kanilang datos simula nitong December 31, 2018 nadagdagan pa ng 72 mga drug suspek ang nasawi na sinasabing nanlaban sa mga arresting officer.


Dahil dito umaabot na sa 5,176 ang namamatay nang magsimula ang kampanya kontra droga noong July 1, 2016 nang pumasok ang duterte administration.

Habang ang bilang ng mga drug suspek na naaresto ay umabot na ngayon sa 170, 689 simula July 1, 2016

Nitong December 31, 2018 at hanggang January 31, 2019, 3,554 drug suspek ang naidagdag sa mga naaresto.

Sinabi ni Atty. Marie Rafael assistant secretary ng presidential communication operation office na hindi titigil ang pamahalaan sa kanilang kampanya kontra droga.
Ayon naman kay PNP Spokesperson Sr. Supt Bernard Banac nanatiling propesyunal ang kanilang hanay sa pagsasagawa ng drug operation ngunit aminadong sa mga nakalipas na taon ay mayroong mga lapses ang ilan sa kanilang mga kasamahan sa pagsasagawa ng drug operation.

Facebook Comments