Nasawi ang isang 21-anyos na motorcycle rider matapos masangkot sa vehicular accident sa kahabaan ng national road sa Barangay Tobuan, Labrador bandang alas-4:15 ng madaling araw noong Mayo 27, 2026.
Batay sa imbestigasyon, magkasalubong na binabagtas ng isang kotse na minamaneho ng 30-anyos na lalaki mula Angeles City at ng motorsiklo na minamaneho naman ng biktima ang nasabing kalsada nang mangyari ang insidente.
Sa kasagsagan nito, aksidente umanong nasagi ng motorsiklo ang kaliwang bahagi ng van dahilan upang mawalan ng kontrol ang rider at sumemplang sa kalsada kung saan ito napuruhan sa ulo.
Agad isinugod ang rider sa ospital ngunit idineklara nang patay.
Nasa kustodiya na ng Labrador Police Station ang driver ng van at ang dalawang sasakyan para sa kaukulang disposisyon habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










