Muling sumabak sa international food market ang labing-isang micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa Pangasinan sa International Food Expo (IFEX) Philippines 2026 na ginanap mula Mayo 21 hanggang 23 sa Pasay City.
Kabilang sa itinampok ng mga exhibitor mula sa lalawigan ang bangus at chicken karaage, bagoong products, processed seafood, peanut brittle, sugarcane vinegar, organic products at dairy products.
Sa nakalipas na IFEX editions, ilang produktong Pangasinense ang nakapasok na rin sa international market kabilang ang bangus products sa Dubai at Japan, ayon sa Department of Trade and Industry Region 1.
Samantala, kasama ng Pangasinan ang daan-daang exhibitors mula sa Southeast Asia na nagtampok ng food innovation, sustainable food processing at export-ready products sa IFEX.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, pinangunahan umano ito ng Provincial Economic Development and Investment Promotion Office (PEDIPO) sa ilalim ng Project Abound na sinimulan noong 2023 para sa market access ng mga lokal na produkto sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








