Nagtapos ang 65 kabataan sa ilalim ng JobStart program kasabay ng isinagawang graduation ceremony, memorandum of agreement signing, at job fair ngayong araw sa Dagupan City.
Layunin ng programang JobStart na tulungan ang mga kabataang naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng skills training, career coaching, at posibleng employment opportunities mula sa mga partner employers.
Pinangunahan ni Mayor Belen Fernandez ang nasabing aktibidad, na dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), Public Employment Service Office (PESO), Employers Confederation of the Philippines-North Luzon Chapter, at iba’t ibang kumpanya na katuwang sa programa.
Ayon sa mga organizer, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na mapalawak ang oportunidad sa trabaho para sa mga kabataan at makatulong sa workforce development sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








