Sunday, June 14, 2026

DA, planong gawing fishery hub ng Eastern Visayas ang Mapana, Northern Samar

Target ng Department of Agriculture na gawing pangunahing sentro ng paglago ng pangisda at agrikultural sa Eastern Visayas ang Mapanas, Eastern Samar.

Itinuturing ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang Mapanas at ibang bahagi ng Northern Samar bilang mahalagang istratehiko sa pangmatagalang food security agenda ng gobyerno.

Ayon pa sa DA chief, ang maraming yamang dagat at katayuan ng lupang agrikultural ay magiging pangunahing pagmumulan ng produksiyon sa pagkain sa rehiyon at paglago ng kabuhayan sa kanayunan.

Namahagi ang DA ng P4.7 milyong halaga ng tulong pang-agrikultura, kabilang na ang de-kalidad na mga binhi, farm inputs, at mga kagamitan sa ilalim ng iba’t ibang programa sa Northern Samar.

Nagpalabas din ang ahensya ng tulong pinansiyal sa mahigit 2,000 na mga kuwalipikadong benepisyaryo sa pamamagitan ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolks.

Nagbigay rin ang DA ng support package na P293 million halaga ng pananim at fishery insurance coverage mula sa Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC), na magbibigay proteksiyon laban sa bagyo, pagbaha, at iba ang banta ng panahon na madalas makaapekto sa komunidad ng pagsasaka sa Northern Samar.

Facebook Comments