
Patuloy na nakakapagtala ang Philippine Vulcanology and Seismology o PHIVOLCS ng malalakas na after shocks sa ilang bahagi ng Mindanao kaugnay ng naranasang magnitude 7.8 na lindol.
Sa datos ng PHIVOLCS, kaninang 7:28 ng umaga ay may naitalang magnitude 4.9 na lindol sa katubigan ng Balut Island, Saranggani, Davao Occidental.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 10 kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang intensity 4 sa balut island, sarangani
Intensity 3 Jose abad Santos , Davao Occidental.
Habang may naitalang Instrumental Intensity 2 sa General Santos city,
Intensity 1 sa Malapatan at Malugon, Saranggani, Tupi sa South Cotabato , Santamaria, Davao Occidetal , Digos city Davao del sur.
Wala namang inaaahang gumuhong istraktura, subalit inaasahan parin ang mga aftershocks.










