Sunday, June 14, 2026

CHED, pinabibilis na ang pagkakaloob ng financial assistance sa mga estudyante na apektado ng malakas na lindol sa Region 12

Pinamamadali na ng Commission on Higher Education (CHED) Region 12 ang pagkakaloob ng financial assistance sa mga estudyanteng apektado ng magnitude 7.8 na lindol.

Kabilang sa makikinabang sa Tertiary Education Subsidy (TES) ay ang mga estudyante sa Tacurong City, Koronadal City, at sa munisipalidad ng Polomolok.

Abot sa 786 student beneficiaries mula sa St. Alexius College, Inc., Marvelous College of Technology, Inc., Marbel School of Science and Technology, Goldenstate College of Koronadal City, Inc., STI College–Koronadal City, Inc., Notre Dame of Tacurong College, VMC Asian Colleges Foundation, Inc., and General Santos Academy, Inc ang makakapag-access ng ayudang pinansyal sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931).

Nagpapatuloy ang inspeksyon ng CHED sa mga structural damage sa Mindanao State University – General Santos (MSU-Gensan) upang maging batayan sa ipagkakaloob na technical assistance and recovery deployment.

Facebook Comments