Journalist Maria Ressa, pinayagan ng Korte Suprema na makalabas ng bansa ng halos isang buwan

Halos isang buwan sa labas ng bansa si Journalist Maria Ressa matapos na muli itong pinayagan ng Korte Suprema na makabiyahe sa abroad.

Ito ay mula Hunyo 4-29, 2023 kung saan dadalo si Ressa sa ilang speaking engagements sa Italy, Singapore, USA at Taiwan.

Inatasan naman ng Korte Suprema si Ressa na sundin ang Sub Judice Rule.


Partikular ang pagbabawal sa kanya na magbanggit sa publiko ng anumang may kaugnayan sa kanyang kaso.

Si Ressa ay convicted sa kasong Cyber Libel matapos kasuhan ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

Facebook Comments