Mga pasaherong tutungo ng NAIA, pinapayuhang umalis ng tahanan ng maaga sa harap ng mga rerouting sa SONA ni PBBM

Nag-abiso ang Philippine Airlines (PAL) sa kanilang mga pasahero na agahan ang pagtungo sa airport ngayong araw.

Layon nito na matiyak na hindi sila mahuhuli sa kanilang flights.

Sa harap ito ng pagsasara ng ilang kalsada at rerouting kaugnay ng State of the Nation Address (SONA) ngayong hapon ni Pangulong Bongbong Marcos.


Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, tiyak na makakaapekto sa daloy ng trapiko patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ang traffic rerouting plan sa Quezon City.

Pinayuhan din ng PAL ang mga pasahero na sundan ng maigi ang rerouting plan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Facebook Comments