Mga tauhan ng MPD, naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa Maynila kaugnay ng SONA ni PBBM

29

Naka-deploy ng mga tauhan ang Manila Police District (MPD) sa harapan ng Commission on Election (COMELEC) Main Office sa Intramuros, Maynila.

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng pagsugod ng mga raliyista.

Samantala, sa Liwasang Bonifacio naman sa Maynila, dalawang truck na may sakay na mga pulis ang nakahimpil ngayon sa lugar.


Bagama’t may malaking bilang ng mga pulis na nakadeploy sa Liwasang Bonifacio, wala namang mga raliyista sa ngayon at pawang mga kababayan natin na namamasyal sa lugar ang ating namataan.

Nilinaw naman ni Francisco na generally peaceful ang sitwasyon sa buong Maynila.

Facebook Comments