Thursday, June 4, 2026

Pangalawang warrant para sa kasong graft, naisilbi kay Senator Jinggoy Estrada, dating DPWH Manuel Bonoan at 3 iba pa

Kinumpirma ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang implementasyon ng pangalawang warrant of arrest na inisyu ng Sandiganbayan 5th Division na may petsang June 1 para sa kasong Graft laban kina Senator Jinggoy Estrada, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan at 3 iba pa.

Sa inilibas na pahayag ng PNP, ang nasabing warrant ay naisilbi kahapon kina Senator Estrada at sa 3 pang akusado na naka-detained ngayon sa New Quezon City Jail sa Payatas Road, Brgy. Silangan, Quezon City.

Habang ang kaparehong warrant naman ay naisilbi kay dating Sec. Bonoan ngayong araw habang ito ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at binibigyan ng medikal na atensyon sa isang pribadong ospital.

Nabatid na may nauna nang mga arrest warrant para sa kasong graft at plunder ang naisilbi sa nasabing mga indibdwal.

Ang nasabing kaso ay may rekomendang pyansa na 90 thousand pesos.

Facebook Comments