Sumalubong ang iba’t ibang emosyon, pananabik, at kaunting kaba ng ilang mga magulang sa muling pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral para sa school year 2026-2027 dito sa lungsod ng Dagupan.
Sa Panayam ng IFM News Dagupan, Sari-sari ang emosyon ng mga magulang patungkol sa unang klase ng kanilang mga anak.
Maging sa mga estudyante ay hindi naging alintana ang maagang gising dahil sa kanilang pananabik na pumasok sa unang araw ng eskwela.
Ngunit kung ang pananabik ng mga estudyante ay ang baon sa eskwela, magkahalong sakripisyo naman sa paggising ng maaga, pag-asikaso, at pagbabadyet ang sumalubong sa mga magulang.
Sa kabila nito, buong-puso pa rin ang kanilang suporta para sa edukasyon ng kanilang mga anak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







