
Gagamitin ng University of the Philippines (UP) Resilience Institute – Nationwide Operational Assessment of Hazards (NOAH) Center ang P1 billion pondo para palakasin ang kapasidad ng bansa pagdating sa pamamahala ng malawakang pagbaha.
Sa press conference ngayong Huwebes, August 27, na pinangunahan ni UP President Angelo Jimenez at Project NOAH Executive Director Mahar Lagmay, inilatag nila ang mga proyektong paglalaanan ng nasabing pondo.
Gaya ng high resolution mapping ng mga ilog na may 1×1 meter resolution at suporta sa Oplan Kontra Baha, sa tulong ng Department Of Public Works And Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), local government units (LGUs), at pribadong sektor.
Kabilang din dito ang simulation ng malalaking detention basins, LiDAR drone surveys kasama ang state universities, at pagtukoy sa mga nakatagong daluyan ng tubig.
Dagdag pa rito, maglulunsad din ng native-tree mapping, sediment assessment at nature-based solutions tulad ng wetland restoration at urban greening, gamit ang AI para sa early warning.
Ayon sa pamunuan ng UP, may transparency, audit, at measurable outputs ang bawat kusing ng na magagastos mula sa pondo, alinsunod sa RA 9500 para sa mas ligtas at matatag na komunidad kontra baha.










