Thursday, August 27, 2026

San Beda Alabang, balik klase na; isang estudyante, under investigation at suspension

Nagbalik na sa regular na face-to-face classes ang lahat ng antas sa San Beda College Alabang ngayong Huwebes, August 27, matapos ang pansamantalang pagpapatigil ng klase kahapon dahil sa kumalat na banta sa seguridad.

Sumailalim sa pag-iinspeksyon ng Explosive Ordnance Disposal o EOD unit ng Muntinlupa Police ang paaralan.

Ayon sa Muntinlupa Police, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na walang direktang ebidensya na magpapatunay na totoong isasagawa ang sinasabing shooting threat, at ang ginagawang paghihigpit ay mga precautionary measures lamang.

Nagsimula ang insidente matapos kumalat sa mga group chat ang diumano’y banta na agad namang isinangguni sa pulisya, dahilan upang irekomenda ang pagpapatupad ng preventive suspension sa estudyanteng itinuturong nasa likod nito habang patuloy ang imbestigasyon.

Sa inilabas na pahayag ng Office of the Rector ng eskwelahan, naging maayos at ligtas ang resulta ng security inspection
dahilan upang ibalik na ang klase.

Facebook Comments