Mga pulis na nagbabantay sa SONA ni Pangulong Duterte, inaantok dahil sa haba ng talumpati ng pangulo

Nakaranas ng pagkaantok ang mga pulis na nagbabantay sa kahabaan ng Commonwealth Avenue dahil sa haba ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling State of the Nation Address (SONA).

Dahil dito, humiga na sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ang mga pulis na nagbabantay sa SONA.

Natuwa naman ang mga pulis at nabanggit ng pangulo na tinaasan ang kanilang mga sahod dahil sa kanilang ipinamalas na serbisyo na pangalagaan ang seguridad ng bansa.


Kapansin-pansin din na maaga pa lang ay umalis na ang lahat ng mga militanteng grupo na nagsasagawa ng kilos protesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue bago pa lang mag-alas 4 ng hapon ay nilisan na ng mga raliyista ang nasabing lugar.

Hindi na pinakinggan ng mga militante ang SONA ng pangulo dahil maaga pa lamang ay iniwan na nila ang kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Facebook Comments