
Kinumpirma ni defense counsel Atty. Michael Poa na may sariling set ng abogado si Atty. Mans Carpio, asawa ni VP Sara Duterte para sa kaniyang impeachment trial.
Ayon kay Poa, hindi nito sigurado kung ang mga abogado na ito ay siya ring mga counsel ni Carpio na naghain ng reklamo laban sa Anti-Money Laudering Council o AMLC.
Dagdag pa ni Poa, plano na rin niya na makipag-ugnayan sa nasabing mga abogado ni Carpio para malaman kung anong gusto nilang gawin.
Lalo na aniya, makakaapekto rin ito sa “right to privacy” ni Carpio.
Nabatid na pinasasama ng Senate Impeachment Court ang financial records ng asawa ni Duterte kaugnay ng alegasyon na unexplained wealth.
Facebook Comments










