Wednesday, July 15, 2026

Prosecution panel, marami pang testigong ihaharap sa impeachment trial

Marami pang ihaharap na testigo ang House prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kahit nagbawas sila ng dalawang testigo kahapon.

Matatandaang hindi na isinalang sa witness stand ang Chief of Staff ni VP Sara na si Atty. Zuleika Lopez at House of Representatives Sergeant-at-Arms Capt. Belinda Bello.

Ayon kay Atty. Reginald Tongol, spokesperson ng Senate Impeachment Court, batay sa pre-trial brief ng kampo ng prosekusyon, marami pang silang balak iharap sa impeachment trial matapos ang pagpapatestigo kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa Lunes.

Kabilang pa sa mga haharap ang isang myembro ng pamilya na biktima ng umano’y mga pagbabanta ni VP Sara, isang pyschiatrist na hindi pa pinangalanan, ilang journalist, at kinatawan ng Firearms and Explosives Office ng Philippine National Police (PNP).

Nasa listahan din si Abe Andres, dating sheriff ng isang korte sa Davao City na ilang beses sinapak ni VP Duterte nung mayor pa siya ng Davao City noong 2011.

Dagdag ni Tongol, 11 trial days ang hiniling ng prosekusyon para sa paghaharap ng mga testigo at ebidensya para sa pang-apat na articles of impeachment na ukol sa pagbabanta ng bise presidente sa buhay ng pangulo at pamilya nito.

Facebook Comments