Friday, July 17, 2026

Retiradong pulis, arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Camarines Sur

Arestado ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation ang isang retiradong pulis sa Brgy. San Francisco, Iriga City Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si PSSg. Richmond Ursus Turiano Bonnevie II, datin nakaassigned sa Regional Communication and Electronics Unit 5 (RCEU5), at isang 45 years old.

Nakumpiska sa kanya ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P65,280.

Ayon sa pulisya, ang nasabing suspek ay isa sa mga mino-monitor na retired Philippine National Police (PNP) Personnel sa ilalim ng IMEG COPLAN “DI-NA” dahil sa mga impormasyon na umuugnay sa kanya sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Nananatili namang nasa kustodiya ng pulisya ang nasabing suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts.

Facebook Comments