Tuesday, July 21, 2026

OVP, kinumpirma ang paglabas ng bansa ni VPSD

Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) ang paglabas ng bansa ni VPSD.

Ayon sa OVP, kabilang sa pupuntahan ni VP Sara ang Qatar.

Bukod dito, dadalo rin ang pangalawang pangulo sa forum at sa event ng Filipino community (FilCom) sa United Kingdom at The Netherlands.

Inihayag ng OVP na ang naturang mga aktibidad ay para sa kapakanan ng overseas Filipinos at sa mga interes ng Pilipinas sa ibayong-dagat.

Kinumpirma rin ng opisina na ang biyahe ni VP Sara ay official foreign travel at personal engagements.

Nilinaw naman ng OVP na walang pondo ng gobyerno ang ginamit ng pangalawang pangulo sa kaniyang buong biyahe.

Magpapatuloy naman anila ang paghahanda ng kanilang opisina sa pagtugon sa mga posibleng kalamidad at emergencies.

Bukod dito, magpapatuloy din ang pagpapatupad ng OVP ng mga programa at proyekto sa pamamagitan ng kanilang sampung satellite offices sa buong bansa.

Facebook Comments