Saturday, July 18, 2026

Malacañang, kumpiyansang uusad ang priority bills ng administrasyon sa gitna ng impeachment at budget hearings

Kumpiyansa ang Malacañang na mabilis pa ring maipapasa ang mga prayoridad na panukala ng Marcos administration sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at ng nalalapit na budget deliberations para sa 2027.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kabilang sa mga panukalang hinihintay pa ang bicameral approval o pagdinig ng Kongreso ang National Center for Geriatric Health, mga amyenda sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) Act at Universal Access to Quality Tertiary Education Act, Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act, Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Act, Anti-Political Dynasty Law, at Presidential Merit Scholarship Program.

May ilan na ring panukala ang naipadala sa Malacañang para sa lagda ng Pangulo.

Umaasa ang Palasyo na mapapabilis ang pagpasa sa mga ito upang agad na mapakinabangan ng mga Pilipino.

Facebook Comments