Mga rehistradong SIM card, tiyak tatargetin na rin ng mga snatcher at crime syndicates

Ibinabala ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang panibagong modus na posibleng likhain ng mga sindikato ng krimen o mga online scammers ngayong nakarehistro na ang mga SIM card sa ilalim ng SIM Registration Law.

Naniniwala si Chua na pangunahin dito ang pagnanakaw ng mga snatchers at crime syndicates sa mga rehistradong SIM para kanilang magamit sa iligal na aktibidad.

Bunsod nito ay iginiit ni Chua sa telecommunication companies, sa pulisya at sa mga bangko na maglatag ng mekanismo para mapadali ang pagre-report at pagpapa-deactivate sa mga SIM card na nananakawin.


Dagdag pa ni Chua, dapat ay magkaroon din ng mga hakbang para mapigilan ang pag-angkat, pagbebenta at pagbili sa mga device at equipment na magagamit ng mga scammer at kriminal sa iligal na aktibidad.

Inihalimbawa ni Chua ang mga device o kagamitan sa pagsasagawa ng text blasts.

Facebook Comments