Monday, April 20, 2026

Mga plano para maayos ang Matalahib Creek Pumping Station sa Quezon City, inilatag ng DPWH

Ibinahagi ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa isinagawang inspeksyon ngayong April 20, ang mga hakbang upang maayos ang Matalahib Creek Pumping Station sa Quezon City.

Kabilang sa mga hakbang ang pagtatanggal ng mga harang, dredging, at iba pang kaugnay na remediation works.

Ayon sa Kalihim, target nilang matapos sa Mayo ang tatlo sa apat na pangunahing hakbang, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Matatandaang isa ang naturang creek sa mga binisita ng Independent Commission for Infrastructure, habang patuloy naman ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman kaugnay nito.

Kasama sa naturang inspeksyon si Joy Belmonte, gayundin ang mga kinatawan mula sa Project NOAH at iba pang ahensya.

Facebook Comments