MGA ROAD SIGNAGEAT KILOMETER POST SA REGION I, NILINIS AT MULING PININTURA PARA SAKALIGTASAN NGMGA MOTORISTA

Nagsagawa ang Department of Public Works and Highways o DPWH Region I ng maintenance operations sa mgapalatandaan sa kalsada upang mapalakas ang kaligtasan ng mga motorista at iba pang gumagamit ng kalsada.

Kabilang sa mga isinagawang hakbang ang paglilinis at muling pagpipintura sa mga kilometer post upang mas madaliitong makita at mabasa ng mga dumaraang motorista.

Pinalitan din ang mga lumang road signage at muling pininturahan ang mga ito upang magbigay ng mas malinaw na impormasyon at gabay sa mga nagbibiyahe.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng DPWH na mapanatiling maayos at madaling makita ang mga palatandaan sa kalsada sa rehiyon, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang-prayoridad ang proteksyon at kaligtasan ng publiko sa mga kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments