Tuesday, November 17, 2026

Malacañang, nanawagan sa LGUs na unahin sa ayudang bigas ang mga mahihirap

Nanawagan ang Malacañang sa mga lokal na pamahalaan na tiyaking ang mga mahihirap at higit na nangangailangan ang makikinabang sa libreng bigas ng gobyerno.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, dapat tiyakin ng mga lokal na opisyal na walang pinapaboran sa pagpili ng mga benepisyaryo ng programa sa ilalim ng Local Government Support Fund.

Kasunod ito ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS na nagpapakitang muling tumaas ang bilang ng mga pamilyang nakararanas ng gutom at nagsasabing sila ay mahirap.

Tiniyak naman ni Castro na nagpapatuloy ang mga programa ng pamahalaan laban sa gutom at kahirapan.

Kabilang dito ang pagtitiyak sa sapat na suplay ng mga pangunahing pagkain, gaya ng bigas at karne, upang maiwasan ang kakapusan at pagtaas ng presyo.

Umaasa ang Palasyo na maipararating ang tulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan nito.

Facebook Comments