Tuesday, May 12, 2026

Mahigit 300 PNP personnel, ide-deploy para tumiyak ng seguridad sa paligid ng Senado; mga raliyistang mananakit, aarestuhin

Nasa kabuuang 343 na mga Philippine National Police (PNP) personnel ang ide-deploy para tumiyak ng seguridad sa paligid ng Senado.

Ito ay kasunod ng mga kinasang kilos-protesta ng mga tagasuporta ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng arrest warrant nito mula sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Southern Police District Police Brigadier General Glenn Oliver C. Cinco, pinakamarami sa kanilang deployment ang Civil Disturbance Management component.

Dagdag pa nito ay patuloy ang kanilang pagpapatupad ng maximum tolerance ngunit sakaling mananakit umano ang mga raliyista ay tiniyak nito na ito ay kanilang huhulihin.

Dagdag pa niya, kasama rin sa aarestuhin ang mga raliyistang lalabag sa batas.

Facebook Comments