Monday, May 18, 2026

Senado, nag-convene forthwith bilang Impeachment Court

Nag-convene forthwith ang Senado bilang Senate Impeachment Court ngayong hapon.

Nanumpa na si Senate President Alan Peter Cayetano bilang presiding officer habang nanumpa na rin ang mga senador bilang mga senator judges.

Suot ng mga senador ang kanilang kulay maroon na robe, hudyat na sila ay tumatayo na bilang senator judges.

Iprinisinta na sa impeachment court ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Agad na nag-isyu ng summons ang impeachment court kay VP Sara at binibigyan ito ng sampung araw para sumagot.

Samantala, kapag sumagot naman ang bise presidente ay mayroon namang limang araw ang prosekusyon para mag-reply.

Inatasan ni Cayetano ang Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na ihatid ang summon sa bise.

Sunod nito ay ikakalendaryo na rin ang pagharap ni VP Sara sa impeachment court at ang pre-trial para sa pagsisimula ng impeachment proceedings.

Matapos mag-convene ngayong hapon ay nagsuspindi na rin ang Senate Impeachment Court.

Facebook Comments