
Kinumpirma ni House Assistant Minority Leader at Kabataan Party-list Rep. Renee Co ang pagtalaga sa kaniya bilang isa sa mga tagapagsalita ng House Prosecution Team para sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Diin ni Co, asahan na dadalhin nya ang boses ng mga kabataan na nananawagan para sa hustisya.
Ayon kay Co, sa ngayon ay pinag-aaraan nya ang articles of impeachment habang tuloy-tuloy din ang kanilang konsultasyon sa mga kabataan.
Binanggit ni Co na nais niyang malaman mula sa mga kabataan kung ano ang gusto nilang makita sa proseso na ito at ano ang kanilang mga panawagan hinggil sa pagpopondo ng serbisyo tulad ng paghandle ng office of the Vice President at ng Secretary of Department of Education (DepED) sa confidential and intelligence funds.
Samantala, natapos na nga ang pag-convene ng Senate Impeachment Court at hindi na ito personal na sinaksihan ng 11-miyembro ng House Prosecution Panel.
Kanina ay sinabi ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima na nagkasundo sila na huwag na munang dumiretso dito sa loob ng gusali ng Senado dahil wala pang pormal na imbitasyon ang Senate Impeachment Court kaya nanatili na lang sila sa isang hindi pinangalanan lugar malapit dito sa Senado.










