Magdamag na nanatili sa Senado si Senator Bato Dela Rosa.

Matapos ang anim na buwan na hindi nito pagpasok sa Senado ay kahapon ay nagpakita ito sa sesyon ng plenaryo.

Ayon kay Senate Acting Sergeant-At-Arms Mao Aplasca, sinigurado nila na walang mga tauhan o opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Senate building na magtatangkang arestuhin si dela Rosa.

Ininspeksyon nila kagabi ang buong gusali at compound para matiyak na wala na ngang NBI personnel sa loob.

Maliban dito ay nagkasundo rin ang Senado at NBI na walang arestuhang magaganap sa senador matapos na ipaubaya sa NBI ang kustodiya ng siyam na mga agents na pina-cite in contempt.

Sinabi pa ni Aplasca na asahan ang ipatutupad na mas mahigpit na seguridad ngayon sa mataas na kapulungan.

Facebook Comments