Monday, May 18, 2026

Sen. Migz Zubiri at Sen. Jv Ejercito, tuluyang umanib na sa minority bloc

Sumama na sa minority group sina Senator Migz Zubiri at Senator JV Ejercito.

Sa sesyon sa plenaryo, parehong tumayo sina Zubiri at Ejercito para i-manifest ang pagnanais na mapabilang sa minorya.

Sa pinal na bilang, 13 pa rin ang mga myembro ng mayorya habang 11 naman ang mga myembro ng minorya.

Sinabi ni Zubiri na nabatikos pa nga siya dahil sa pag-abstain noong botohan para sa Senate presidency pero ginawa niya lamang iyon para magkaroon ng kalayaan sa kung anong isyu ang mas importante sa mga Pilipino.

Nilinaw ni Zubiri na pagdating sa reorganization, mas gusto niya mapabilang sa oposisyon.

Gayundin si Ejercito na noong una’y gusto panatilihin ang pagiging independent pero kalaunan ay namili na rin na mapabilang sa minorya.

Nagpasalamat naman si Ejercito sa tiwala at kumpyansang ibinigay sa kanya ni Senate President Alan Peter Cayetano matapos na alukin sa kanya noong una ang pagiging majority leader.

Facebook Comments