Mga tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa kaso ng Japanese fugitives, tukoy na ng DOJ

May lead na si Justice Secretary Crispin Remulla kung sinu-sinong mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakasabwat ng mga puganteng Hapon sa pagpasok ng cellphones habang nasa BI Detention Facility sa Taguig City.

Ayon kay Remulla, aaksyunan ng DOJ ang naturang BI personnel sa oras na maipa-deport na sa Japan ang apat na Japanese fugitives na idinadawit sa mga serye ng mga robbery doon.

Sa impormasyon na binahagi ng Japanese authorities, ang utak ng nakawan ay si Yuki Watanabe alyas Luffy na siyang nag-uutos sa pamamagitan ng encrypted messaging app mula sa BI Detention Facility sa Taguig.


Tumanggi ang kalihim na sabihin kung may mataas na opisyal na sangkot sa pagpupuslit ng mobile phones at iba pang-gadgets sa BI detention center.

Facebook Comments