
Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia na mula ngayong araw, May 18 hanggang September 30, 2027 ay maaari na rin magparehistro bilang overseas voter sa sangay ng Migrant Workers Office (MWO) sa Riyadh.
Ang Overseas Voting Registration Desk sa MWO ay bukas tuwing Linggo hanggang Huwebes, mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.
Ayon sa Philippine Embaasy, maaari na ring magsumite ang Overseas Filipino Workers (OFWs) ng kanilang aplikasyon para sa pag-activate ng rehistrasyon, correction ng entries, pagbabago ng pangalan (change of name), muling pagkuha ng tala (recapturing), at paglilipat ng registration records.
Nilinaw din ng embassy na nananatili ring bukas ang Overseas Voter Registration Desk sa Embahada na matatagpuan sa Diplomatic Quarter.










