Tuesday, May 12, 2026

Dalawang foreign investors, binawi na ang kanilang pamumuhunan sa bansa dahil sa ingay politika sa bansa ayon sa isang ekonomista

Dismayado na umano ang mga foreign investors dahil sa tumitinding ingay politika sa bansa.

Sa Quezon City Journalists’ Forum (QCJI Forum), sinabi ng ekonomistang si Astro del Castillo na dalawang investor na ang binawi ang kanilang pamumuhunan sa bansa matapos makita ang asal ng mga mambabatas sa isinusulong na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ani Del Castillo, ang mga investor na ito ay mula sa food, power and energy sector na may malaki sanang maitutulong sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.

Nakapag invest na umano ang mga ito pero, hindi na umano nila itutuloy ang kanilang investment.

Ani Del Castillo, inakala ng mga foreign investors na tapos na ang krisis politika noong nakaraang taon, pero, nadismaya sila dahil tila magtatagal pa ito hanggang umabot ang 2028.

Dagdag pa ng ekonomista, dapat tumutok ang mga lider sa ekonomiya at di sa politika.

Kung magpapatuloy aniya ang sitwasyon ay mas malulugmok ang ekonomiya at ang taumbayan ang magdurusa.

Facebook Comments